Tignan mo ang lahat ng mga friends mo sa facebook.Lahat ba sila ay tunay na kakilala mo?Baka naman nagpapanggap lang yan at baka dumagdag ka pa sa listahan ng mga biktima ng panloloko sa facebook. Kaya mula sa SMCM Batch 1991 eto ang ilang tip para malaman kung peke ang isang Facebook profile.
Basahin mo baka makatulong sayo.
1 . Magandang profile Picture
Laging maging maingat sa mga profile picture ng mga artista , modelo
, o picture na galing sa internet .
Karamihan sa mga pekeng profile, lalo na ung magagandang babae ,
ay may isa lang na picture at ubod pa ng ganda.Ingat ka baka mabiktima ka.
Kaya,wag ka padala sa mga magagandang profile picture..
2 . Sobra Dami ng Kaibigan
Kapag nakakita ka ng facebook profile na sobra dami ng kaibigan, malamang peke yun.
eto yung umaabot sa 1500 pataas na friends at kadalasan puro lalake (Ewan ko kung bakit)
May nakita nga ako 2500 friends, anu ka sobrang friendly? :p
3. Kelan ba sya nagjoin sa facebook?
Tignan mo kung kailan sya sumali sa Facebook,Baka mamaya eh ilang linggo pa lang
tapos madami na syang kaibigan anu sya di na natutulog kaka-add ng friends..Kaya
malamang peke yan.
4. Photo Albums
Kapag tinignan mo ang photo albums ng mga pekeng facebook Ids kadalasan sobra
liliit ng picture at madalas open sa public kaya yun ang gusto nila maakit ka
na i-add mo sya.Pansinin mo wala sya dun sa photo album. He He He
5. Profile information
Kapag nakakita ka ng profile na puno ng impormasyon tungkol sa kanya malamang di yun peke.
Ang gumagawa kasi ng mga pekeng profile sa facebook ay walang tiyagang punuin ang
lahat ng impormasyon patungkol sa kanya.
6. Profile Description
Kadalasan sa mga pekeng profile description ay kapansin pansin tulad ng "I only Add
Handsome Guys!" Pwede sana ako maakit dun sa description na yun para i-add ko sya kaso
di naman ako gwapo! :(
7. For the Boys
Ang mga babae hindi yan basta basta nagpapadala ng friend request sa mga lalake.
Pag ikaw ay nakakita ng friend request sa babae, alamin muna kung tunay ang profile nya.
Kung hindi ka naman kagwapuhan tapos magkakaroon ka ng friend request sa isang magandang babae,
aba eh magduda ka na. doble check mo agad kung alam mong peke i-click mo "not now"( baka bukas pwede na hehehehe)
8. For the Girls
Kadalasan ang mga lalake eh lagi talaga nagpapadala ng friend request sa mga babae lalo na
kung maganda. I verify muna kung ok yung guy sa ibang friend nya.
At uulitin ko kung hindi ka naman kagandahan tapos may magrerequest sayo na magandang lalake,
magduda kana kasi Panget ka. (joke)
9. Status Update
Kung napapansin nyo na ang kadalasan pinopost ng mga profile ay puro links,
website, pekeng impormasyon, application, magduda kana baka mabiktima ka nila.
dont give informations about yourself. madami ng nabiktima ung mga ganyan kaya kaonting ingat.
10. Celebrity Request
Kung ang nagaadd sayo ay kilalang tao , artista, magduda na peke un.
Sino ka ba naman para bigyan ng request sa isang sikat na tao.
Wag ka na magambisyon loko.
PAUNAWA: Hindi po lahat ng pekeng profile ang gumagawa ng masama sa kapwa
sa facebook kahit yung totoong tao kayang gumawa nyan kaya magingat!
Kaya wag add na add para masabing madami kang friends. see you!